Originally Posted on: 29 December 2006 @ 10:27 pm
Gumawa ang mammy namin ng Blueberry Cheesecake ngayon para ipangregalo sa mga tao at siyempre mayroon din para sa amin. Iyon nga ang “dessert” namin pagkatapos kumain ng hapunan. Hindi na ako nakatulong sa paggawa at “late” ako nagising ngayon dahil masama pa rin iyong pakiramdam ko hanggang ngayon. Kung papansinin niyo mahilig talagang magluto ang aming pamilya. Sobrang sarap nga magluto ang aming mammy kaya tumataba na ako lalo. Haha! Itong klase ng Blueberry Cheesecake na ginawa ng mammy namin ay iyong “baked” kasi sa totoo lang mas masarap talaga iyon kasa iyong “unbaked”. Kung sakali namang hindi niyo alam ang pinagkakaiba ng “baked” at “unbaked”, iyong “baked” ay kapag kulay dilaw iyong “cheesecake” samantalang kapag “unbaked” puti iyong “cheesecake”. Mayroon din mga pinagkakaiba sa “ingredients” kapag “baked” linalagyan ito ng “all-purpose flour” at iyong “unbaked cheesecake” may “gelatine” naman. Happy eating!
Saturday, September 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment