Saturday, September 20, 2008

Bonifacio Day

Originally Posted on: 01 December 2006 @ 07:03 pm

Kahapon ay "Bonifacio Day" pero ngayong araw na ito idineklara ng ating pangulo na maging "Holiday" upang maging "convenient" para sa ating lahat. Pero ang tanong nabigyan ba ng pansin ang mahalagang araw na ito na naging rason kung bakit wala tayong pasok ngayon?

Sa tingin ko, kaya hindi nabigyan ng pansin ang araw na ito dahil ang nasa isip lang ng iba ay "Yes! Walang pasok ngayon!" o kaya naman "Sa wakas! Very long weekend tayo!" Pati nga ako ay hindi ko man lang nabigyan ng kahalagahan ang "Bonifacio Day" dahil kahapon iyon at may klase pa kami kaya nawala ito sa isip ko. Pero sa totoo lang kailangan din naman natin ng bakasyon kahit sandali. Para naman makapahinga tayo at huwag munang isipin ang pag-aaral. Sa mga taga-UPB swerte sila, pero ako may klase ako bukas ng 7:30 n.u. May gagawin pa nga ako na asignatura ngayon na ipapasa ko bukas.

Pumunta kami ng aking pamilya sa Manaoag ngayon kaya kahit hindi kami "long weekend". Hindi ko man nabigyan pansin ang "Bonifacio Day", nakapunta naman ako sa Manaoag upang bisitahin ang "Our Lady of Manaoag".

No comments: