Saturday, September 20, 2008

PESTE: Mga Lamok, Mga Daga at Mga Pulang Langgam

Originally Posted on: 28 November 2006 @ 02:37 pm

Nakakainis sa bahay! Ang daming mga peste! Hindi naman mga tao ang mga ito kung hindi ay mga lamok, mga daga, at mga pulang langgam. Nakakadiri iyong mga lamok dahil ang dami nila. Nabobomba naman kami ng "Baygon" at naglilinis ng mga kanal kaso ang dami pa rin nila. Hindi man lang sila maubos! Buti na lang wala pang nagkaka-dengue sa amin.

Kagabi naman nung pumunta ako sa "balay-balay" (isa itong maliit na bahay na pinaglalagyan namin ng mga gamit. Parang bodega na rin ito) para ibalik iyong mga natirang saluyot (isang uri ng gulay) na pinagpilian ko para sa aming hapunan sa "refrigerator" sa may "balay-balay". Nung papatayin ko na iyong ilaw sa may "balay-balay" biglang may nakita akong isang malaking DAGA na gumagapang doon sa may poste sa loob nung "balay-balay". Nagulat talaga ako kaya sumigaw ako ng malakas sabay takbo pa palabas nung "balay-balay". Pumasok ako sa bahay namin at sinabi ko sa aking mga magulang ang nangyari. Kailangan kong bumalik sa "balay-balay" para patayin iyong ilaw para hindi sayang sa kuryente. At ayon, bumalik din ako at medyo natatakot akong bumalik sa loob dahil baka nandoon pa iyong malaking daga at baka pumunta iyn sa aking paa. Di ba, kadiri? Kaya ang sabi ko na lang sa sarili ko, "Matapang ako kung nakapasok ako at napatay ko iyong ilaw." At sa wakas, nagawa ko rin! Haha! Babawi rin ako! Lalasunin ko iyang mga daga na yan. Mayroon namang "Dora" na panglason. Hahaha! ("evil laugh")

Noong nakaraang Sabado naman ay kinagat ako sa paa ng mga pulang langgam. Nakakakilabot ba? kasi habang sinusulat ko ito ay kinikilabutan ako. Hindi ko siguro napansin na may natamaan akong "ant hill". Namaga iyong ibang bahagi ng aking paa dahil sa mga kagat pero hindi naman ganoong maga. Ginamot ko naman ito kaagad ng "Chinese Madicine". Ang nakakainis lang talaga ay matagal na rin akong hindi nakagat ng pulang langgam at siyempre imbis na makati ito sobrang sakit pa ng mga kagat nito. Hay... Lumalabas na naman iyong mga "goosebumps" ko. Waaah!!! Pero mas mabuti nang "ant hill" iyong natamaan ko kaysa sa "Nuno sa Punso", di ba?

"Moral Lesson" sa "entry" na ito: "Tumingin muna sa inyong dinadaanan."

No comments: