Saturday, September 20, 2008

"Paradise Kiss"

Originally Posted on: 07 December 2006 @ 04:52 pm

Dalawang linggo na ang nakakaraan at nagtapos na ang isa sa mga pinakamaganda na anime. Ang anime na anking tinutukoy ay ang "Paradise Kiss". Maganda kasi ang pagkagawa dito at napakaganda rin nung mga damit na pinapakita sa anime. Ayon pa sa "Animax", isang sikat na "Japanese fashion designer" ang mga nagdisenyo ng mga damit na pinakita sa anime.

Ang anime na ito ay tungkol sa isang "senior high school " na estudyante na sawa na sa mga paulit-ulit na nangyayari sa kanyang buhay. Ang pangalan ng bidang babae ay Yukari. O di ba? Medyo kapangalan ko pa? Hehe! Isang araw may nakilala siyang mga "fashion designing students" at dahil dito nag-iba ang takbo ng kanyang buhay at napasok siya sa mundo ng "fashion". Ang "love interest" ni Yukari sa kwento ay si George. Hindi pangkaraniwang lalake si George dahil isa siyang "flamboyant" na tao at siya rin ang pinuno ng "Paradise Kiss", ang kanilang "clothesline"/kompanya.

Ang nakakalungkot lang ay hindi ko napanood ang lahat ng mga "episodes". Iyong "ending" lang ang aking napanood. Medyo malungkot pa iyong "ending" dahil nagkahiwalay sila Yukari at George sa huli at kinasal sa ibang lalake si Yukari. Sana mapanood ko ulit itong anime na ito.

No comments: