Sunday, September 21, 2008

Onlayn Silid-aralan (Version 2.0)

Originally Posted on: 06 July 2007 @ 11:31 am

"Edited version"
Edited on: 9/21/08 @ 4:20 AM

Katatapos ko lang gumawa ng takdang-aralin sa aming “Bible 1”. At i-popost ko na mamaya ang aking mga sagot sa “online classroom” namin. Oo, tama ang narinig nabasa niyo! Mayroon kaming “online classroom” sa aming paaralan. Ano ba ang isang “online classroom”?

Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang isang "online classroom", hayaan niyo akong magpaliwanag sa inyo.

Sa aming paaralan, ang isang asignatura ay maaaring maging isang “online class” o “on-ground class”. Ang “on-ground class” ay iyong tipikal na pagpasok sa isang silid-aralan. Samantalang, ang “online class” naman ay sa “internet” ka magpapasa ng mga gawain, tulad ng mga takdang-aralin o kaya mga pagsusulit. Dito na rin mag-aanunsyo ang inyong guro tungkol sa mga gawain, atbp.

Pero ang “online class” ay nahahati naman sa dalawa, maaari itong maging “hybrid” o “full-blast”. Ang “hybrid online class” ay iyong may araw na ika’y papasok sa silid-aralan at mayroon din namang araw na hindi kayo papasok pero kailangan mong mag-log in sa “online classroom” para magkaroon ng “attendance”. Ang “full-blast online class” naman ay iyong hindi ka na talaga papasok sa iyong silid-aralan, depende na lang sa guro kung nais niya kayong bigyan ng “on-ground meeting” kung sakali mang may gusto siyang pag-usapan ng personal. Sa uri ng “online class” na ito ay maaari din magbigay ng “on-ground quiz” ang guro, dahil ayon sa ibang mga guro: madaling makapagkopyahan ang mga estudyante kung sakali mang “online quiz” ang ibibigay ng kanilang guro. Kailangan mo ding mag-log in sa mga nasabing araw kung kalian kailangan niyong magpa-attendance, kung hindi ka naka-log-in ay ma-aabsent ka sa iyong klase.

Pareho lang din ang katumbas ng pagliban sa "online class” at sa “on-ground class”. Kapag nahigitan mo na ang apat o anim na bilang ng mga araw na kung saan ika’y maari lamang magliban sa klase, ay i-dodrop na ng iyong guro ang iyong “class card”.

Ayon sa “website” ng aming paaralan ay noong 1999 pa itong “online classroom”. Maliban sa “Nursing”, maganda din ang mga “Computer courses” dito sa aming paaralan dahil sila ay sumasabay sa teknolohiya ng US. Iyong asawa ng isa sa mga may-ari ng aming paaralan, ay isang magaling na “Computer Programmer”. Sa maniwala kayo o hindi, siya ang gumawa ng ibang “Computer program” sa mga batikan na mga ospital sa Maynila, tulad ng “St. Luke’s”. Iisang pamilya lang ang may-ari ng aming paaralan at karamihan sa kanila ay naka-base sa US kaya inaabot nila ang “standards” sa US pagdating sa “Health Care”.

Masaya rin ang magkaroon ng “online class” ngunit kung minsan ay hindi ako nagagalak dahil may mga ibang guro na nagtatambak ng mga gawain dahil kampante na sila na “online class” iyon. Hindi malayo na maisip ko na ang pagkakaroon ng “online class” sa aming paaralan ay isang solusyon na rin sa kakulangan ng mga silid-aralan dahil sa sobrang dami ng mga estudyante at para rin ito sa mga guro na maraming mga klase na hinahawakan. Mayroon na rin kasing kakulangan sa mga guro kaya nga nagbubukas na din sila ng mga posisyon para sa mga guro.

Ka-charingan: Kung ang “online class” ay solusyon sa kakulangan ng mga silid-aralan at mga guro, bakit hindi na lang magkaroon ng “online class” ang mga pampublikong paaralan? Siyempre imposible iyon! Baka sa isang “alternate universe” pwede pa!

2 comments:

pepay_arjean said...

omg, ang tagalog mo naman mag-post!btw, i took an online class sa aboitiz non, medyo wala ko natutunan kasi "Presentation Skills" and subj ko...uhm, duh? cguro, depende sya sa pagaaralan no?

Midnight Poetaster said...

Ngayon ko lang nabasa itong comment mo Pepay. :D At natawa ako! Hindi ka pa nasanay sa akin, hehehe! Oo, depende din talaga sa subject kung ano ang pwedeng maging online...