Saturday, September 20, 2008

Masarap na Almusal

Originally Posted on: 05 December 2006 @ 12:40 pm

Balak ko sanang hindi mag-post ngayon ng "entry" pero dahil sobrang madaldal ako, eto na!

Hindi na ako na nanghalian para sa araw na ito dahil sobrang nabusog ako sa aking almusal kanina. Gusto niyo ba malaman ang aking mga ulam? Ang mga ulam ko kanina ay tuyo at tapang kalabaw. Sa totoo lang, ang pagkain ng kalabaw ay medyo nakakakonsensiya dahil nakakaawa ang mga kalabaw dahil tumutulong na nga sila sa pagsasaka tapos kakainin pa sila. Kaso angsarap talaga ng tapang kalabaw kaya pasensiya na po. Tao lang po ako... Masarap parehong isaw-saw ang tuyo at tapang kalabaw sa suka't sili (sa ilonggo, sinamak ang tawag dito). Talagang nabusog ako sa aking almusal. Gaya pa rin kahapon, mamula-mula pa rin ang aking mukha. Buti na lang hindi na ako ganoon ka-conscious sa aking anyo. Ang pagkain ng mga maaanghang ay magdadagdag sa pagkapula ng mukha pero ako siyempre ay pasaway!

No comments: