Saturday, September 20, 2008

"Taglishkano"/"IlokaTaglish"/"Engalogkano"

Originally Posted on: 24 November 2006 @ 11:07 pm

Napapansin ko na naiiba na ang pagsalita ko sa wikang Filipino simula nang lumipat ako sa ibang eskwelahan dahil nahahaluan na ito ng Ilokano eh halos lahat naman ng mga kaibigan ko sa Baguio ay hindi Ilokano kaya iniiwasan kong haluan ng Ilokano ang diyalektong Tagalog dahil natural hindi nila ako maiintindihan. Pero nadadagdagan ang akin bokabularyo sa Ilokano kaya masaya rin naman kahit papaano dahil maaari ko nang matutunan ang magsalita sa diyalektong Iloko ng diretso at hindi lang mga mura ang alam ko. Hehe! Tapos hahasain ko ang sarili ko na huwag ipaghalo ang salitang Ingles sa diyalektong Iloko at Tagalog. Kung sakali mang maghalo ang mga iyon, ano na kaya ng tawag? "Taglishkano"? IlokaTaglish"? "Engalogkano"? Hala! Windang na ako. Suko na! Baka kayo may ideya diyan. Haha!

No comments: